IKALAWANG PAGBASA Colosas 1, 15-20
by c
IKALAWANG PAGBASA
Colosas 1, 15-20
Pagbasa mula sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas
Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan
sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita
man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may
kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa
pamamagitan niya at para sa kanya. Siya’y una sa lahat, at sa kanya
nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng Simbahan na
kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak — ang unang
nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng
bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa
Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagsundo sa
kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa
krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa.